Friday, January 23, 2009

buhay call center part2

…masarap na mahirap ang buhay dito sa call center. Masarap kc mas malaki ang kita mo sa mga kabarkada mo, naturingang manager sila or executive secretary. Masarap kc walang traffic, walang boss, walang mashadong damatan at masusunget na menopausal office mates. masarap kc halos magkakasing edad lang kayo, kulitan, bastusan, gimik at marami pang iba. masarap kc computer lang hinahawakan mo di katulad dati, ballpen, typewriter at napakadungis na stamp pad. masarap kc you have all the comfort. air conditioned work place, work station, free internet usage, free coffee, minsan pag sinwerte free food and transportation pa. Besides, free FASHION SHOW ng mga ka officemates mo na hindi mo naman talaga kakilala…d mo malaman kung amgirl or amboy or feeling amgirl or amboy…pare pareho lang naman ng sweldo…bakit naka leather jacket at fur? pamatay talaga….stiletto…mas maganda pa rubber and shirts…cool…eh la naman pakelaman dito. kaya quanquinay de sho….eh ano kung mukhang clown o mukhang barbie doll ng mangkukulam..kiber! to die for ang ganitong trabaho, konting bola, konting amspeak, konting trouble shoot…ayos na…idagdag mo pa perfect attendance mo at may additional income ka na.
E bakit naman mahirap??? Mahirap kc baligtad na mundo mo. Meeting sa umaga and minsan pati inuman na rin. Hindi na rin regular ang pagtulog mo. Naknampoota…kung nakakabili lang nga ng tulog at kung over the counter lang sleeping pills…sinwero ko na. Apektado din ung pagkain mo. pag day off mo, gigicing ka ng time ng break mo like 3 am para kumain kc sumasakit ung tyan mo. Some people I know develop ulcer and gastritis dahil sa ganitong trabaho. A yun libre gamot pero paggaling hinde. Social Life…pag meron. pag naggicing. pag puede mag leave. Pag importante. Most of the time wala ka pag gabe, kaya pinag-uusapan ka na…living thing yet non existing ang drama…Lahat sila tapos na magtrabaho paalis ka pa lang.. Ang mga nakakasakay mo sa mrt bagong paligo…ikaw pauwe pa lang, dark shades parang bampira kc nagluluha ung mata mo sa inet at namamaga sa laki ng eyebugs. Mahirap kasi me pasok ka sa mga araw na walang pasok ang mga regular na empleyado — pasko, bagong taon, araw ng patay, mahal na araw at iba pa. Mahirap kasi hindi maintindihan ng kapitbahay mo bakit gabi ka umuuwe at umaga ka na dumadating at kung bakit ka bumibili ng san miguel beer sa tanghaling tapat. Mahirap kc kelangan mong tanggapin ang mga profane languanges sa araw araw na ginawa ng Dyos.Everyday you would encounter irate & racist american customers. Those who will discriminate you once they learned that your a filipino , sabay banat ng " transfer me to somebody from the united states".. Kung bakit ang mga amerikano galet na galet pag nalaman na Filipino ka at di matanggap na mas me alam ka sa computer kesa sa kanila and to think sa kanila pa ginawa ang lintik na computer na yon.And then those metrix that we should maintained--QA, sales, AHT, schedule adherance and so on..talagang ma ppresure ka to work on with your stats and be a performer and not a burden to your team.So much for my angst. I have to work. I have to be emotionally detached so as
not to be affected.

No comments:

Post a Comment